Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google Chrome

Nalalapat ang Mga Tuntunin ng Serbisyong ito sa executable code na bersyon ng Google Chrome. Magagamit nang libre ang source code para sa Google Chrome alinsunod sa mga kasunduan sa paglilisensya ng software sa://code.google.com.ph/chromium/terms.html.

1. Ang iyong kaugnayan sa Google

1.1 Napapasailalim ang paggamit mo ng mga produkto, software, serbisyo at web site ng Google (pinagsama-samang tinukoy bilang “Mga Serbisyo” sa dokumentong ito at ibinubukod ang anumang mga serbisyong inilaan sa iyo ng Google sa ilalim ng hiwalay na nakasulat na kasunduan) sa mga tuntunin ng ligal na kasunduan sa pagitan mo at Google. Nangangahulugang Google Inc. ang "Google", kung saan nasa Amphitheatre Parkway, Mountain View, CA 94043, Estados Unidos ang pangunahing lugar ng negosyo. Ipinaliliwanag ng dokumentong ito kung papaano binuo ang kasunduan, at ipinatutupad ang ilan sa mga tuntunin ng kasunduang iyon.

1.2 Maliban kung nakipagkasundo nang pasulat sa Google, palaging kabilang sa iyong kasunduan sa Google, sa pinakamababa, ang mga tuntunin at kundisyong tinukoy sa dokumentong ito. Tinukoy ang mga ito sa ibaba bilang “Mga Pangkalahatang Tuntunin”. Binubuo ng hiwalay na mga nakasulat na kasunduan ang mga lisensya sa software na open source na para sa Google Chrome source code. Hanggang sa limitadong saklaw na hayagang sinasapawan ng mga lisensya ng software na open source ang Mga Pangkalahatang Tuntuning ito, pinamamahalaan ng mga lisensya ng open source ang iyong kasunduan sa Google para sa paggamit ng Google Chrome o tukoy na isinamang mga bahagi ng Google Chrome.

1.3 Isasama rin sa iyong kasunduan sa Google ang mga tuntunin ng anumang mga Ligal na Abiso na mailalapat sa mga Serbisyo, bilang karagdagan sa Mga Pangkalahatang Tuntunin. Tinutukoy sa ibaba ang lahat ng ito bilang “Mga Karagdagang Tuntunin”. Kung saan nailalapat ang Mga Karagdagang Tuntunin sa Serbisyo, maaari mong mapuntahan ang mga ito para iyong mabasa sa loob man o sa pamamagitan ng iyong paggamit ng Serbisyong iyon.

1.4 Binubuo ng Mga Pangkalahatang Tuntunin, kasama ang mga Karagdagang Tuntunin, ang ligal na may-bisang kasunduan sa pagitan mo at ng Google na may kaugnayan sa iyong paggamit ng Mga Serbisyo. Mahalagang maglaan ka ng oras upang basahin ang mga ito nang mabuti. Nang sama-sama, tinutukoy ang ligal na kasunduang sa ibaba bilang "Mga Tuntunin".

1.5 Kung may anumang pagkakasalungat sa pagitan ng kung ano ang sinasabi ng Mga Karagdagang Tuntunin at ng kung ano ang sinasabi ng Mga Pangkalahatang Tuntunin, ang Mga Karagdagang Tuntunin kung gayon ang mangingibabaw kaugnay sa Serbisyong iyon.

2. Pagtanggap sa Mga Tuntunin

2.1 Upang magamit ang Mga Serbisyo, dapat ka munang sumang-ayon sa Mga Tuntunin. Hindi mo maaaring magamit ang Mga Serbisyo kung iyong hindi tatanggapin ang Mga Tuntunin.

2.2 Maaari mong tanggapin ang Mga Tuntunin sa pamamagitan ng:

(A) pag-click upang tanggapin o sumang-ayon sa Mga Tuntunin, kung saan ginawa ng Google na iyong magagamit ang pagpipiliang ito sa user interface para sa anumang Serbisyo; o

(B) sa pamamagitan ng aktwal na paggamit ng Mga Serbisyo. Sa kasong ito, nauunawaan at sumasang-ayon ka na ituturing ng Google ang iyong paggamit ng Mga Serbisyo bilang pagtanggap sa Mga Tuntunin magmula sa puntong iyon.

3. Wika ng Mga Tuntunin

3.1 Kung saan naglaan sa iyo ang Google ng pagsasalin ng bersyon sa wikang Ingles ng Mga Tuntunin, sumang-ayon ka kung gayong inilaan sa iyo ang pagsasalin para sa iyong kaginhawaan lamang at mamamahala ang mga bersyon sa wikang Ingles ng Mga Tuntunin sa iyong kaugnayan sa Google.

3.2 Kung mayroong anumang pagkakasalungat sa pagitan ng kung ano ang sinasabi ng bersyon sa wikang Ingles at sa kung ano ang sinasabi ng pagsasalin, ang bersyon sa wikang Ingles kung gayon ang siyang mangingibabaw.

4. Itinakda ng mga Serbisyo ng Google

4.1 May mga sangay at ligal na kaakibat na entity ang Google sa buong mundo ("Mga Sangay at Kaakibat"). Minsan, maglalaan ang mga kompanyang ito ng mga Serbisyo sa iyo sa ngalan mismo ng Google. Kinikilala mo at sumasang-ayon ka na may karapatan ang Mga Sangay at Kaakibat na maglaan ng Mga Serbisyo sa iyo.

4.2 Patuloy na nagsasagawa ng pagbabago ang Google upang maglaan ng pinakamagandang posibleng karanasan para sa mga gumagamit nito. Kinilala at sumang-ayon ka na maaaring magbago paminsan-minsan ang anyo at uri ng mga Serbisyo na ibinibigay ng Google nang walang paunang abiso sa iyo.

4.3 Bilang bahagi ng patuloy na pagbabagong ito, kinikilala at sumasang-ayon ka na maaaring itigil (nang permanente o pansamantala) ng Google ang pagbibigay ng mga Serbisyo (o anumang mga tampok sa loob ng mga Serbisyo) sa iyo o sa mga pangkalahatang gumagamit sa sariling pagpapasya ng Google, nang walang paunang abiso sa iyo. Maaari mong itigil ang paggamit sa Mga Serbisyo kahit anong oras. Hindi mo kailangang magpaalam mismo sa Google kapag iyong itinigil ang paggamit ng Mga Serbisyo.

4.4 Kinikilala at sumasang-ayon ka na kung hindi paganahin ng Google ang access sa iyong account, maaari kang pigilan sa pag-access sa Mga Serbisyo, sa detalye ng iyong account o anumang file o iba pang nilalaman na siyang nakapaloob sa iyong account.

5. Ang iyong paggamit ng Mga Serbisyo

5.1 Sumang-ayon kang gagamitin lamang ang mga Serbisyo para sa mga layunin na pinahihintulutan ng (a) Mga Tuntunin at (b) anumang maialalapat na batas, regulasyon o pangkalahatang tinatanggap na mga kasanayan o alituntunin sa may kaugnayang saklaw ng batas (kabilang ang anumang mga batas patungkol sa pagluluwas ng data o software papunta at mula sa Estados Unidos o ibang pang kaugnay na mga bansa).

5.2 Sumasang-ayon kang hindi sasali sa anumang aktibidad na gumagambala o umaantala sa Mga Serbisyo (o ang mga server at network kung saan nakakonekta sa Mga Serbisyo).

5.3 Maliban kung partikular kang pinahintulutan na gawin sa isang hiwalay na kasunduan sa Google, sumasang-ayon kang hindi mo pararamihin, dodoblehin, kokopyahin, ibebenta, ikakalakal o muling-ibebenta ang Mga Serbisyo sa anumang layunin.

5.4 Sumasang-ayon kang mag-isa kang mananagot para sa (at walang pananagutan ang Google sa iyo o sa kaninumang third party para sa) anumang paglabag ng iyong mga obligasyon sa ilalim ng Mga Tuntunin at para sa mga kahihinatnan (kabilang ang anumang pagkalugi o pinsala na maaaring sapitin ng Google) ng anumang naturang paglabag.

6. Ang privacy at ang iyong personal na impormasyon

6.1 Para sa impormasyon tungkol sa mga kasanayan sa proteksyon ng data ng Google, pakibasa ang patakaran sa privacy ng Google sa http://www.google.com.ph/privacy.html. Ipinaliliwanag ng patakarang ito kung papaano itinuturing ng Google ang iyong personal na impormasyon, at pinangangalagaan ang iyong privacy, kapag iyong ginagamit ang mga Serbisyo.

6.2 Sumasang-ayon ka sa paggamit ng iyong data alinsunod sa mga patakaran sa privacy ng Google.

7. Nilalaman sa Mga Serbisyo

7.1 Nauunawaan mong ang lahat ng impormasyon (tulad ng mga file ng data, nakasulat na teksto, computer software, musika, mga file na audio o iba pang mga tunog, larawan, video o iba pang mga imahe) kung saan maaaring may access ka bilang bahagi ng, o sa pamamagitan ng paggamit mo ng Mga Serbisyo, sariling pananagutan ng tao mula na kung saan nagmula ang naturang nilalaman. Tinutukoy ang lahat ng naturang mga impormasyon sa ibaba bilang “Nilalaman.”

7.2 Dapat na iyong malaman na ang Nilalaman na ipinakita sa iyo bilang bahagi ng Mga Serbisyo, kabilang ngunit hindi limitado sa mga advertisement sa Mga Serbisyo at na-insponsorang mga Nilalaman sa loob ng Mga Serbisyo na maaaring protektahan ang mga karapatan sa ari-ariang intelektwal kung saan ay pag-aari ng mga taga-isponsor o mga advertiser na nagbigay ng mga Nilalamang iyon sa Google (o ng iba pang mga tao o kumpanya sa kanilang ngalan). Hindi mo maaaring baguhin, upahan, arkilahin, ibenta, ipamahagi o likhain ang mga ginayang gawain batay sa Nilalamang ito (buo man o sa bahagi) maliban kung partikular kang nasabihan ng Google o ng mga may-ari ng Nilalamang iyon na maaari mong gawin, sa hiwalay na kasunduan.

7.3 Nakalaan sa Google ang karapatan (ngunit walang magiging obligasyon) na paunang-salain, irepaso, i-flag, i-filter, baguhin, tanggihan o alisin ang anuman o lahat ng Nilalaman mula sa anumang Serbisyo. Para sa ilang mga Serbisyo, maaaring magbigay ng mga tool ang Google upang i-filter ang tahasang sekswal na nilalaman. Isinasama ng mga tool na ito ang mga ginustong setting sa SafeSearch (tingnan ang http://www.google.com.ph/help/customize.html#safe). Bilang karagdagan, mayroong mga pangkomersyong magagamit na mga serbisyo at software upang limitahan ang access sa mga materyal na hindi kanais-nais sa iyong tingin.

7.4 Nauunawan mo na sa paggamit ng Mga Serbisyo na maaari kang mailantad sa Nilalaman na sa iyong tingin ay nakakasakit, malaswa o hindi kanais-nais at, sa kadahilanang ito, ginagamit mo ang Mga Serbisyo sa iyong sarili kapahamakan.

7.5 Sumasang-ayon kang mag-isa kang mananagot para sa (at walang pananagutan ang Google sa iyo o sa kaninumang third party para sa) anumang Nilalaman na iyong nilikha, ipinadala o ipinakita habang ginagamit ang Mga Serbisyo at para sa mga kahihinatnan ng iyong mga kilos (kabilang ang anumang pagkawala o pinsala na maaaring sapitin ng Google) sa paggawa nito.

8. Mga karapatan sa pagmamay-ari

8.1 Kinikilala mo at sumasang-ayon ka na pag-aari ng Google (o mga tagapaglisensya ng Google) ang lahat ng ligal na karapatan, titulo at interes sa mga Serbisyo, kabilang ang anumang mga karapatan sa ari-ariang intelektwal na kapwa-umiiral sa Mga Serbisyo (kung nangyari mang nakarehistro ang mga karapatang iyon o hindi, at kung saan man sa mundo umiiral ang mga karapatang iyon).

8.2 Maliban kung sumang-ayon ka nang pasulat sa Google, wala sa Mga Tuntunin ang nagbibigay sa iyo ng karapatang gumamit ng anumang mga pangalan sa pangangalakal, trade mark, service mark, logo, pangalan ng domain, at iba pang mga natatanging tampok ng brand.

8.3 Kung nabigyan ka ng tahasang karapatan na gamitin ang anuman sa mga tampok ng tatak na ito sa isang hiwalay na nakasulat na kasunduan sa Google, sumasang-ayon ka kung gayong dapat na sumunod ang iyong paggamit sa naturang mga tampok sa kasunduaang iyon, sa anumang nalalapat na mga itinakda ng Tuntunin, at sa alituntunin ng paggamit ng tampok ng brand ng Google ayon sa pag-update paminsan-minsan. Maaaring matingnan nang online ang mga alituntuning ito sa http://www.google.com.ph/permissions/guidelines.html (o iba pang URL na maaaring ilaan ng Google para sa layuning ito paminsan-minsan).

8.4 Kinikilala at sinasang-ayunan ng Google na wala itong nakuhang karapatan, titulo o interes mula sa iyo (o sa iyong mga tagapaglisensya) sa ilalim ng mga Tuntuning ito sa o sa kahit anong Nilalaman na iyong isinumite, ipinost, ipinadala o ipinakita sa, o sa pamamagitan ng Mga Serbisyo, kabilang ang anumang mga karapatan sa ari-ariang intelektwal na kapwa-umiiral sa Nilalamang iyon (kung nangyari mang nakarehistro ang mga karapatang iyon o hindi, at kung saan man sa mundo umiiral ang mga karapatang iyon). Maliban kung sumang-ayon ka nang pasulat sa Google, sumasang-ayon kang mananagot ka para sa pagprotekta at pagpapatupad ng mga karapatang iyon at walang obligasyon ang Google na gawin ito sa iyong ngalan.

8.5 Sumasang-ayon kang hindi mo aalisin, palalabuin, o papalitan ang anumang mga paunawa sa mga karapatan ng pagmamay-ari (kabilang ang copyright at mga abiso sa trade mark) na maaaring ilakip sa o ilagay sa loob ng Mga Serbisyo.

8.6 Maliban kung hayagan kang pasulat na pinahintulutan na gawin ito ng Google, sumasang-ayon ka na sa paggamit ng Mga Serbisyo, hindi ka gagamit ng anumang mga trade mark, service mark, trade name, logo ng anumang kumpanya o samahan sa paraang malamang o sinadyang magdulot ng kalituhan tungkol sa may-ari o awtorisadong gumagamit ng naturang mga marka, pangalan o logo.

9. Lisensya mula sa Google

9.1 Binibigyan ka ng Google ng personal, pandaigdigan, royalty-free, hindi-naitatalaga at hindi-eksklusibong lisensya na gamitin ang software na ibinigay sa iyo ng Google bilang bahagi ng mga Serbisyo na ibinigay sa iyo ng Google (tinukoy bilang "Software" sa ibaba). Ang lisensyang ito ay para sa nag-iisang hangaring pahintulutan kang gamitin at tamasahin ang benepisyo ng Mga Serbisyo ayon sa pagkabigay ng Google, sa paraang pinahihintulutan ng Mga Tuntunin.

9.2 Alinsunod sa 1.2, hindi mo maaaring (at hindi mo maaaring payagan ang sinumang) kopyahin, baguhin o likhain ang hinangong gawa, i-reverse engineer, i-decompile o kung hindi man ay tangkaing kunin ang source code ng Software o anumang parte mula rito, maliban kung hayagang pinahihintulutan o hinihingi ng batas o maliban kung partikular kang nasabihan ng Google nang pasulat na gawin ito.

9.3 Alinsunod sa 1.2, maliban kung nabigyan ka ng tukoy na pasulat na pahintulot ng Google na gawin ito, hindi ka maaaring magtakda (o magbigay ng sub-license ng) iyong karapatang gamitin ang Software, magbigay ng pangseguridad na interes sa o sa ibabaw ng iyong mga karapatang gamitin ang Software o kung hindi man ay ilipat ang alinmang bahagi ng iyong mga karapatang gamitin ang Software.

10. Lisensya ng nilalaman mula sa iyo

10.1 Nananatili sa iyo ang copyright at anumang iba pang mga karapatan na iyo nang pinanghahawakan sa Nilalaman na iyong isinumite, ipinaskil o ipinakita sa o sa pamamagitan, ng Mga Serbisyo.

11. Mga update ng software

11.1 Maaaring awtomatikong mag-download at mag-install ng mga update paminsan-minsan mula sa Google ang Software na iyong ginagamit. Dinisenyo ang mga update na ito upang pagbutihin, paghusayin at patuloy na buuhin ang Mga Serbisyo at maaaring maging nasa anyo ng mga pag-aayos ng bug, pinaghusay na mga pagpapaandar, mga bagong software module at ganap na mga bagong bersyon. Sumasang-ayon kang tumanggap ng mga naturang pag-update (at pahihintulutan ang Google na ihatid ang mga ito sa iyo) bilang bahagi ng iyong paggamit ng Mga Serbisyo.

12. Pagtatapos ng iyong kaugnayan sa Google

12.1 Patuloy na naaangkop ang Mga Tuntunin hanggang wakasan mo o ng Google gaya nang inilarawan sa ibaba.

12.2 Maaaring wakasan ng Google sa anumang oras ang legal na kasunduan na ito sa iyo kung:

(A) lumabag ka sa anumang itinatakda ng Mga Tuntunin (o kumilos sa pamamaraang malinaw na nagpapakitang hindi mo binalak na, o hindi magagawang sumunod sa mga itinatakda ng mga Tuntunin); o

(B) Kinakailangan itong gawin ng Google ayon sa batas (halimbawa, kung saan ang itinatakda ng mga Serbisyo sa iyo ay, o naging, hindi makatarungan); o

(C) ang kasosyong ng Google noong inialok ang mga Serbisyo sa iyo ay winakasan ang pakikipag-ugnayan nito sa Google o itinigil na mag-alok ng mga Serbisyo sa iyo; o

(D) Nagsasagawa ng paglipat ang Google sa pagtigil ng pagbibigay ng mga Serbisyo sa mga gumagamit sa bansa kung saan ka naninirahan o mula sa kung saan mo ginagamit ang serbisyo; o

(E) ang itinatakda ng Mga Serbisyo sa iyo ng Google ay, sa opinyon ng Google, hindi na praktikal na pangkomersyo.

12.3 Wala sa Seksyon na ito ang makakaapekto sa mga karapatan ng Google patungkol sa pagdudulot ng Mga Serbisyo sa ilalim ng Seksyon 4 ng Mga Tuntunin.

12.4 Kapag dumating sa pagwawakas ang mga Tuntuning ito, ang lahat ng mga legal na karapatan, obligasyon at pananagutan na pinakinabangan mo at ng Google, napasailalim sa (o na naipon sa kalaunan habang ang mga Tuntunin ay ipinatutupad) o na inihayag na magpatuloy nang walang tiyak na pagwawakas, ay hindi maaapektuhan ng pagtigil na ito, at ang mga itinatakda ng talata 19.7 ay magpapatuloy na iiral sa gayong mga karapatan, obligasyon at pananagutan nang walang tiyak na pagwawakas.

13. PAGBUBUKOD NG MGA GARANTIYA

13.1 WALA SA MGA TUNTUNING ITO, KABILANG ANG MGA SEKSYONG 13 AT 14, ANG DAPAT MAGBUKOD O MAGLILIMITA SA GARANTIYA NG GOOGLE O PANANAGUTAN PARA SA MGA PAGKALUGI NA MAAARING HINDI MAKATARUNGANG IBINUKOD O NILIMITAHAN NG NAAANGKOP NA BATAS. ANG ILANG MGA SAKLAW NG BATAS AY HINDI PINAHIHINTULUTAN ANG PAGBUKOD NG ILANG MGA GARANTIYA O KONDISYON O ANG LIMITASYON O PAGBUKOD NG PANANAGUTAN PARA SA PAGKALUGI O PINSALANG NAIDULOT NG KAPABAYAAN, PAGLABAG SA KONTRATA O PAGLABAG SA IPINAHIWATIG NA MGA TUNTUNIN, O NAGKATAON O IDINULOT NA MGA PINSALA. ALINSUNOD DITO, ANG MGA LIMITASYON LAMANG NA MAKATARUNGANG NASA IYONG SAKLAW NG BATAS ANG ILALAPAT SA IYO AT ANG AMING PANANAGUTAN AY MAGIGING LIMITADO SA LUBOS NA ABOT NG SAKLAW NA PINAHIHINTULUTAN NG BATAS.

13.2 HAYAGAN MONG NAUUNAWAAN AT SINASANG-AYUNANG ANG IYONG PAGGAMIT NG MGA SERBISYO AY NASA IYONG SARILING PELIGRO AT NA ANG MGA SERBISYO AY INILALAAN BILANG “WALANG BINAGO” AT “KUNG MAGAGAMIT.”

13.3 SA PARTIKULAR, ANG GOOGLE, ANG MGA SANGAY AT KAAKIBAT NITO, AT ANG MGA TAGALISENSYA NITO AY HINDI KINAKATAWAN O GINAGARANTIYA SA IYONG:

(A) MATUTUGUNAN NG IYONG PAGGAMIT NG MGA SERBISYO ANG IYONG MGA KINAKAILANGAN,

(B) WALANG PAGGAMBALA, NAPAPANAHON, LIGTAS O WALANG ERROR ANG IYONG PAGGAMIT NG MGA SERBISYO,

(C) ANUMANG IMPORMASYONG NAKUHA MO BILANG RESULTA NG IYONG PAGGAMIT NG MGA SERBISYO AY MAGIGING TUMPAK O MAAASAHAN, AT

(D) NA ANG MGA DEPEKTO SA PAGPAPATAKBO O PAG-ANDAR NG ANUMANG SOFTWARE NA IBINIGAY SA IYO BILANG BAHAGI NG MGA SERBISYO AY ITATAMA.

13.4 ANG ANUMANG MATERYAL NA NAI-DOWNLOAD O KUNG HINDI MAN AY NAKUHA SA PAMAMAGITAN NG PAGGAMIT NG MGA SERBISYO AY GINAWA SA IYONG SARILING PAGPAPASYA AT PELIGRO AT IKAW AY MAG-ISANG MANANAGOT SA ANUMANG PINSALA SA SYSTEM NG IYONG COMPUTER O IBA PANG MGA APARATO O PAGKAWALA NG DATA NA NAGRESULTA MULA SA PAG-DOWNLOAD NG ANUMANG NATURANG MATERYAL.

13.5 WALANG PAYO O IMPORMASYON, PASALITA MAN O PASULAT, NA NAKUHA MO MULA SA GOOGLE O SA PAMAMAGITAN NG O MULA SA MGA SERBISYO ANG LILIKHA NG ANUMANG GARANTIYA NA HINDI HAYAGANG INILAHAD SA MGA TUNTUNIN.

13.6 HAYAGANG IWINAWAKSI NG GOOGLE ANG LAHAT NG MGA GARANTIYA AT KONDISYON NG ANUMANG URI, IPINAHAYAG MAN O IPINAHIWATIG, KABILANG ANG, NGUNIT HINDI LIMITADO SA MGA IPINAHIWATIG NA GARANTIYA AT KONDISYON NG KAKAYAHANG MAIBENTA, KAANGKUPAN PARA SA ISANG PARTIKULAR NA LAYUNIN AT HINDI-PAGLABAG.

14. LIMITASYON NG PANANAGUTAN

14.1 ALINSUNOD SA PANGKALAHATANG ITINATAKDA SA TALATA 13.1 SA ITAAS, HAYAGAN MONG NAUUNAWAAN AT SINASANG-AYUNAN NA ANG GOOGLE, ANG MGA SANGAY NITO AT MGA KAAKIBAT, AT MGA TAGAPAGLISENSYA NITO AY HINDI MANANAGOT SA IYO PARA SA:

(A) ANUMANG TUWIRAN, DI-TUWIRAN, NAGKATAON, ESPESYAL NA NAIDULOT O MGA HUWARANG PINSALA NA MAAARING MAKUHA MO, PAANO MAN IBINUNGA AT SA ILALIM NG ANUMANG TEORYA NG PANANAGUTAN. IBIBILANG DITO, NGUNIT HINDI LIMITADO SA, ANUMANG PAGKALUGI SA KITA (NAKUHA MAN NANG DIREKTA O DI-DIREKTA), ANUMANG PAGKAWALA NG MAGANDANG HANGARIN O REPUTASYON NG NEGOSYO, ANUMANG PAGKARANAS NG PAGKAWALA NG DATA, HALAGA NG PAGKAKABILI NG MGA PANGHALILING PRODUKTO O SERBISYO, O IBA PANG DI-NAHAHAWAKANG PAGKALUGI.

(B) ANUMANG PAGKALUGI O PINSALA NA MAAARING IYONG NAKUHA, KABILANG ANG NGUNIT HINDI LIMITADO SA PAGKALUGI O PINSALA BILANG RESULTA NG:

(1) ANUMANG TIWALANG IYONG INILAGAY SA PAGKAKUMPLETO, KATUMPAKAN O PAGKAKAROON NG ANUMANG ADVERTISING, O BILANG RESULTA NG ANUMANG KAUGNAYAN O TRANSAKSYON SA PAGITAN MO AT SINUMANG ADVERTISER O SPONSOR NA ANG MGA ADVERTISING AY LUMILITAW SA MGA SERBISYO;

(II) ANUMANG MGA PAGBABAGONG MAAARING GAWIN NG GOOGLE SA MGA SERBISYO, O PARA SA ANUMANG PERMANENTE O PANSAMANTALANG PAGTIGIL SA PAGDUDULOT NG MGA SERBISYO (O ANUMANG MGA TAMPOK SA LOOB NG MGA SERBISYO);

(III) ANG PAGTANGGAL NG, PAGKAPINSALA NG, O PAGKABIGONG IIMBAK ANG, ANUMANG NILALAMAN AT IBA PANG DATA NG KOMUNIKASYONG PINAPANATILI O NAIPADALA SA O SA PAMAMAGITAN NG IYONG PAGGAMIT NG MGA SERBISYO;

(IV) ANG IYONG KABIGUANG MABIGYAN ANG GOOGLE NG TUMPAK NA IMPORMASYON NG ACCOUNT;

(V) ANG IYONG KABIGUAN NA PANATILIHING LIGTAS AT KUMPIDENSYAL ANG MGA DETALYE NG IYONG PASSWORD O ACCOUNT;

14.2 ANG MGA LIMITASYON NG PANANAGUTAN NG GOOGLE SA IYO SA TALATA 14.1 SA ITAAS AY NAAANGKOP NAABISUHAN MAN O HINDI ANG GOOGLE NG O DAPAT NA NALAMAN ANG POSIBILIDAD NG NATURANG ANUMANG LILITAW NA MGA PAGKALUGI.

15. Mga patakaran sa copyright at trade mark

15.1 Patakaran ng Google na tumugon sa mga abiso sa paratang na paglabag sa copyright na sumusunod sa naaangkop na nternasyonal na batas sa intelektuwal na pagmamay-ari (kabilang, sa Estados Unidos, ang Digital Millenium Copyright Act) at sa pagwawakas ng mga account ng mga umulit na lumabag. Maaaring makita ang mga detalye ng patakaran ng Google sa http://www.google.com.ph/intl/tl/dmca.html.

15.2 Nag-o-operate ang Google ng mga pamamaraan sa hinaing sa trade mark bilang respeto sa negosyong advertising ng Google, ang mga detalye nito ay maaaring matagpuan sa http://www.google.com.ph/intl/tl/tm_complaint.html.

16. Mga Advertisement

16.1 Suportado ang ilan sa Mga Serbisyo ng kita sa advertising at maaaring magpakita ng mga advertisement at pa-promo. Maaaring mai-target ang mga advertisement na ito sa nilalaman ng impormasyon na nakaimbak sa Mga Serbisyo, mga query na isinagawa sa pamamagitan ng mga Serbisyo o iba pang impormasyon.

16.2 Maaaring magbago ang paraan, mode at haba ng advertising ng Google sa mga Serbisyo nang walang partikular na abiso sa iyo.

16.3 Sa pagsasaalang-alang sa pagbibigay sa iyo ng Google ng access sa at paggamit ng mga Serbisyo, sumasang-ayon kang maaaring maglagay ang Google ng gayong advertising sa Mga Serbisyo.

17. Iba pang nilalaman

17.1 Maaaring mabilang sa mga Serbisyo ang mga hyperlink sa iba pang mga web site o nilalaman o mga pinagkukunan. Maaaring walang kontrol ang Google sa anumang mga web site o mapagkukunang ibinigay ng mga kumpanya o tao bukod sa Google.

17.2 Kinikilala at sinasang-ayunan mong hindi mananagot ang Google para sa kakayahang magamit ng anumang naturang panlabas na site o mapagkukunan, at hindi nag-eendorso ng anumang advertising, mga produkto o iba pang mga materyal sa o magagamit mula sa naturang mga web site o mapagkukunan.

17.3 Kinikilala at sinasang-ayunan mong hindi mananagot ang Google sa anumang pagkalugi o pinsala na maaaring makuha mo bilang resulta ng kakayahang magamit ng mga panlabas na site o mapagkukunang iyon, o bilang resulta ng anumang pagtitiwalang inilagay mo sa pagkakumpleto, katumpakan o pagkakaroon ng anumang advertising, mga produkto o iba pang mga materyal sa, o makukuha mula sa, naturang mga web site o mapagkukunan.

18. Mga Pagbabago sa mga Tuntunin

18.1 Maaaring gumawa ang Google ng mga pagbabago paminsan-minsan sa Mga Pangkalahatang Tuntunin o Mga Karagdagang Tuntunin. Kapag naisagawa ang mga pagbabagong ito, gagawa ang Google ng bagong kopya ng Mga Pangkalahatang Tuntunin na makukuha sa http://www.google.com.ph/accounts/TOS?hl=tl at anumang bagong Mga Karagdagang Tuntunin ay gagawing magagamit sa iyo mula sa loob, o sa pamamagitan, ng mga apektadong Serbisyo.

18.2 Naunawaan at sinasang-ayunan mong kung gagamitin mo ang Mga Serbisyo pagkatapos ng petsa kung saan ang Mga Pangkalahatang Tuntunin o mga Karagdagang Tuntunin ay nagbago, ituturing ng Google ang iyong paggamit bilang pagtanggap ng mga Pangkalahatang Tuntunin o mga Karagdagang Tuntunin.

19. Pangkalahatang mga legal na tuntuniin

19.1 Kung minsan kapag ginamit mo ang mga Serbisyo, maaari kang (bilang resulta ng, o sa pamamagitan ng iyong paggamit ng mga Serbisyo) gumamit ng serbisyo o mag-download ng isang bahagi ng software, o bumili ng mga produkto, na ibinigay ng ibang tao o kumpanya. Maaaring sakop ang iyong paggamit ng iba pang mga serbisyo, software o mga produktong ito ng hiwalay na mga tuntunin sa pagitan mo at ng kumpanya o taong kinauukulan. Kung gayon, hindi naaapektuhan ng Mga Tuntunin ang iyong legal na kaugnayan sa iba pang mga kumpanya o indibidwal na ito.

19.2 Kumakatawan ang mga Tuntunin sa buong legal na kasunduan sa pagitan mo at ng Google at pinamamahalaan ang iyong paggamit ng Mga Serbisyo (ngunit hindi kasama ang anumang mga serbisyo na maaaring ibigay sa iyo ng Google sa ilalim nang hiwalay na nakasulat na kasunduan), at ganap na papalitan ang anumang naunang mga kasunduan sa pagitan mo at ng Google na may kaugnayan sa Mga Serbisyo.

19.3 Sumasang-ayon kang maaaring magbigay ang Google sa iyo ng mga abiso, kabilang ang ilang mga pagbabagong iyon sa Mga Tuntunin, sa pamamagitan ng email, regular na mail, o mga pag-post sa Mga Serbisyo.

19.4 Sumasang-ayon kang kung hindi ginagamit o ipinatupad ng Google ang anumang legal na karapatan o remedyo na nakapaloob sa Mga Tuntunin (o kung saan nasa Google ang pakinabang sa ilalim ng anumang naaangkop na batas), hindi ito ituturing na isang pormal na pagtatakwil ng mga karapatan ng Google at na ang naturang mga karapatan o remedyo ay makukuha pa rin sa Google.

19.5 Kung humatol ang alinmang hukuman ng batas, sa pagkakaroon ng saklaw ng batas na magpasya sa bagay na ito, na walang bisa ang anumang itinatakda ng Mga Tuntuning ito, kung gayon, aalisin ang naturang itinatakda mula sa Mga Tuntunin nang hindi maaapektuhan ang nalalabing Mga Tuntunin. Magpapatuloy na may-bisa at maipatutupad ang mga natitirang itinatakda ng Mga Tuntunin.

19.6 Kinilala at sumang-ayon kang ang bawat kasapi ng grupo ng mga kumpanya kung saan ang Google ay ang pangunahin ay magiging mga third party na makikinabang sa Mga Tuntunin at may karapatan ang naturang iba pang mga kumpanya na tahasang ipatupad, at umaasa, sa anumang kundisyon ng Mga Tuntunin na isinasangguni ang kapakinabangan sa (o para sa lahat ng mga karapatan) kanila. Bukod dito, wala ng ibang tao o kumpanya ang magiging mga third party na makikinabang sa Mga Tuntunin.

19.7 Ang Mga Tuntunin, at ang iyong kaugnayan sa Google sa ilalim ng mga Tuntunin, ay pinamamahalaan ng mga batas ng Estado ng California nang walang pagtatangi sa kontrahan nito ng mga itinakda ng batas. Sumang-ayon ka at ang Google na sumailalim sa eksklusibong kapangyarihan ng mga korte na matatagpuan sa loob ng county ng Santa Clara, California upang lutasin ang anumang ligal na bagay na magmumula sa Mga Tuntunin. Sa kabila nito, sumang-ayon kang mapahihintulutan pa rin ang Google na magsampa ng mga mapag-utos na remedyo (o isang katumbas na uri ng madaliang ligal na tulong) sa anumang saklaw ng batas.

Disyembre ___, 2008